Alam mo yung alam niyong pareho na gusto niyo yung isa’t isa pero hanggang ngayon friends lang kayo?
Bakit ganun? Kahit isa, wala pang umaamin. Parang contest ng patagalan ng pagtitig, kung sinong unang kumurap, talo. So, ano to? Kung sino unang umamin, talo? Hindi rin eh. Kasi sabi nila ang love may risk. Kelangan matapang ka kung gusto mong magmahal. Maaaring maging masaya ka o kaya naman masaktan. Pero at least diba, may ginawa ka at alam mo kung saan yung pinagtunguhan.
Maraming dahilan. Hindi maaari. Hindi pa pwede. Maraming hadlang. Maraming rason.
Pero hindi rin natin alam. Sa takdang panahon, baka tayo rin pala talaga.
Maniniwala ka ba kung malaman mo Ikaw yata ang tinatangi ng puso kong ito Iisipin mo nga kayang Nagbibiro lamang ako Mahal kita mahal kita Palagay ko Palagay ko mahal kita Ikaw na nga walang iba Di pa kase masabi Ng puso ang nadarama Pansinin mo rin kaya Mahalin mo rin sana Kasi na nga Palagay ko mahal kita Maniniwala ka ba kung malaman mo Ikaw ata ang nagpatibok ng puso kong ito Panaginip kita lagi kahit gising ako Mahal kita mahal kita Palagay ko Palagay ko mahal kita Ikaw na nga walang iba Di pa kase masabi Ng puso ang nadarama Pansinin mo rin kaya Mahalin mo rin sana Kasi na nga Palagay ko mahal kita Sige lang Hihintayin kita Sige lang Sa tingin ko’y malapit na Kung nagmamahal ka na Maalala mo ako Maalala mo ako Palagay ko… Palagay ko mahal kita Ikaw na nga walang iba Di pa kase masabi Ng puso ang nadarama Pansinin mo rin kaya Mahalin mo rin sana Kasi na nga Palagay ko mahal kita…
Nakakatawa na ewan kapag pinagkakamakalan akong spanish dito. Or as I say it, “Espanyola”. Bigla bigla nalang akong kakausapin ng spanish. At pagkatapos nilang magsalita at magtangkang kausapin ako sa salitang hindi ko maintindihan ganito ang hitsura ko: 0_0
Para sa akin, malayo kaya ang hitsura ko sa spanish. Oo, halatang mixed ako. Yung kulay ko, napapabilang sa kategorya na brown o kaya yellowish (Hepa? lol) At kung hindi ako magsalita ng Tagalog dito hindi kailanman ako pagkakamalang pilipino or what. Pero ako, latina?! Parang ang far out naman. Ngayon ko lang na-encounter yun. Napapangiti nalang ako at sabay sabing “I don’t speak spanish”. Kasi naman no? Ilang beses na nangyari sakin yan. Sa elevator, sa daan o saan pa hindi ko na naalala. Tapos ko sabihin yun magrereply sila na “Oh” at sabay walk out o kaya bigla nalang tatahimik. Wala na. Di na nagsalita, wrong attempt. Fail, in short.
Marami kasing spanish or hispanic dito sa NY, particularly dito sa Brooklyn. Actually, lahat ng lahi nandito na sa NYC. Eto na ata ang pinakadiverse na city sa buong mundo. Yung mga pinoy minsan napapabilang sa kategorya ng spanish. Yung mga foreigners or mga hindi pinoy sinasabi na mukha nga daw hispanic ang pilipino so mahirap i-distinguish. Ako naman, sobra dali kong malaman kung pinoy ba o hindi yung makakasalubong ko sa daan. Hindi ko maexplain. May certain look eh. Lukso ng dugo siguro? Haha. Basta yun na yun. Alam ko lang. Sabi naman ng kapatid ko, alam niya daw na Filipino ang isang tao kapag mukha silang “Mexican with an Asian look”. Haha. Infairness, may punto siya dun.